Bong Go issues statement on Duterte's real condition | Inquirer ºÚÁÏÉç

ºÚÁÏÉç

Bong Go issues statement on Duterte’s real condition

/ 11:36 PM August 28, 2020

Senator Bong Go. FILE PHOTO

MANILA, Philippines — With the recent issue concerning the health of President Rodrigo Duterte, a lot of speculations came out about the condition of the 75-year-old Philippine leader. To clarify matters, Sen. Bong Go, who has been with Duterte for decades, issued a statement on the real health status of the President to once and for all clear all doubts.

Below is the complete statement from Sen. Go:

Article continues after this advertisement

STATEMENT OF SEN. BONG GO
Re: Health of the President

FEATURED STORIES

Mahigit dalawang dekada kong kasama si Pangulong Duterte at alam ko ang estado ng kanyang kalusugan. Inaalagaan ng mabuti ng Pangulo ang kanyang sarili. Wala po siyang iniindang sakit na seryoso at hindi natin kailangang mag-alala. Mas malakas pa sa kalabaw ang Pangulo kung magtrabaho para sa kapakanan ng lahat ng mga Pilipino.

Pero ikonsidera rin natin ang edad ng ating Pangulo. Sino ba namang tao na 75 years old na ang walang nararamdamang sakit sa katawan?

Article continues after this advertisement

Ito ang rason kung bakit nagiging mahigpit ang PSG at ang mga doktor sa kanya para masigurong hindi siya magkaroon ng anumang malubhang karamdaman. Lalo na ngayon na may COVID-19 health crisis, sinisigurado natin na hindi mahahawahan ang Pangulo. Ang health experts na ang nagsabi na ang mga senior citizens ang pinaka-vulnerable sa sakit na ito.

Article continues after this advertisement

Naisin man ni Tatay Digong na mabisita at makasama ang taumbayan dahil ito na ang kanyang nakasanayang gawin, sa ngayon ay hindi niya po ito magawa dahil marami pong bawal.

Article continues after this advertisement

Kilala ko si Tatay Digong. Meron s’yang ugali na ipapasa-Diyos na lang ang lahat, lalo na pagdating sa kanyang sariling kapakanan. Parati n’yang sinasabi na “Kung panahon mo na, panahon mo na. It is all according to God’s will.”

Bagama’t may edad na ang Pangulo, ginagawa n’ya ang lahat para sa mga Pilipino. Buo ang kanyang loob na gampanan ang kanyang tungkulin bilang ama ng buong sambayanan na tumatayong poste ng ating tahanan para maalagaan at maprotektahan ang bawat Pilipinong itinuturing niyang anak.

Article continues after this advertisement

Siya po ang lider na nagti-timon sa atin — wala nang iba — upang tuluyang maiahon tayo sa krisis at maipagpatuloy ang mga pagbabagong nakamit na natin sa ilalim ng kanyang pamumuno. Alagaan natin s’ya at ipagdasal natin palagi ang kanyang mabuting kalusugan.

Having known the President for a long time, I know how much he loves to serve and he is willing to die for his country.

I urge my fellow Filipinos to cooperate and stay united in our efforts to overcome this crisis. Magbayanihan po tayo at patuloy na magmalasakit sa kapwa.

Huwag natin sayangin ang oras natin sa pagkalat ng pangamba lalo na’t may Pangulo tayong nasa maayos naman ang estado ng kalusugan at ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya para ipaglaban ang interes, buhay at kapakanan ng bawat Pilipinong pinagsisilbihan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the and acknowledge that I have read the .

Salamat po.

JPV
TAGS: Rodrigo Duterte, statement

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the and acknowledge that I have read the .

© Copyright 1997-2025 ºÚÁÏÉç | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies.