Cayetano calls for Transparency and Accountability in the Senate | Inquirer

Cayetano calls for Transparency and Accountability in the Senate

08:26 PM January 23, 2013

OFFICE OF THE SENATE MINORITY LEADER
Sen. Alan Peter S. Cayetano
Rm. 601 GSIS Complex Senate of the Philippines Roxas Blvd Pasay City

For inquiries, kindly contact:
Geraldine Brillantes (0917.845.6661)
Gelo Villar (0917.803.1918)

January 23, 2013

Article continues after this advertisement

PRIVILEGE SPEECH
Cayetano calls for Transparency and Accountability in the Senate
“Pondo ng Senado para sa mamamayan at hindi pondo para sa senador lang”

FEATURED STORIES

Good afternoon Mr. President, my beloved colleagues, mga kababayan.

Kung ano ang ating itatanim, yun din ang ating aanihin. Mr. President, this is a biblical principle that I firmly believe in. I rise today to speak on a question of personal and collective privilege. My initial reaction when this issue came out is, “Nakakahiya.” Nakakahiya na ang issue na pinaguusapan ng mga senador ay mga pondo nila at pera.

Article continues after this advertisement

Samantalang ang daming problema sa ibang lugar sa bansa katulad ng region 11, sa Davao City na tinamaan ng matitinding kalamidad, mga problema sa peace and order na napapabalita sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nararanasan ng ating mga kababayan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Tuloy tuloy ang pagtaas nito at marami pa rin ang hirap na hirap na makakuha ng trabaho at sapat na kita.

Article continues after this advertisement

Kaya nung Lunes po, 8 A.M. sa isang programa sa ANC, iminungkahi ko po na pag simula ng sesyon ay tutukan natin ang problema ng mga mamamayan sa edukasyon, trabaho, kalusugan, peace and order. Para matahimik na tayong lahat sa isyu na ito ipaubaya na natin ang imbestigasyon na ito sa isang private auditing firm para matigil na tong bangayan na ito.

Article continues after this advertisement

Handa po akong manahimik na to get back to work sa Senate. Ikinalungkot ko po na mas ginusto pa ni Senate President Enrile na ipatuloy ang word war at name-calling at paglabas ng iba’t ibang issue na wala namang kinalaman sa main issue ng ating pondo.

Ika nga ni Senate President Juan Ponce Enrile noong impeachment ni Chief Justic Corona, “irrelevant, immaterial.” Kung saan saan na napunta ang issue na ito. Sumali pa ang kanyang Chief of Staff na si Atty. Gigi Reyes na naglaunch ng vicious attack at character assassination sa akin. Ito ay ikinagulat ng marami sa Senado.

Article continues after this advertisement

Napagisipan ko tuloy na napakahalagang sagutin ko itong issue na ito tungkol sa pananalapi ng Senado. Hindi natin pera ito, pera ito ng mamamayan. Paano tayo makakapagimbestiga ng iba kung tayo mismo ay ayaw magpaimbestiga? How can we investigate others like we investigated the Fertilizer scam , the NBN-ZTE deal, Gen. Garcia and the military establishment?

Naalala niyo po nung inimiimbestigahan natin ang military at sabi nila na we should not destroy the institution. Anong sagot natin sa kanila? By exposing the truth, we strengthen the institution and remove anything that is wrong there. If there’s nothing wrong then walang masama na mayroon pong imbestigasyon.

The same thing here. Maraming nagsasabi na masisira ang institusyon. Nasisira po ang institusyon na dahil kung ano ano na ang lumabas dito without getting to the main issue. Paano po tayo makakapagimbestiga kung mayroon tayong cloud of doubt sa ating mahal na institusyon at sa atin? We should always lead by example.

Ang issue: Pondo ng Senado para sa mamamayan. Ang pondo ay hindi para sa senador lang. Pera ito ng mamamayan hindi ng senador. Second issue: Christmas gift nga ba ito o MOOE? Pangatlong issue: Nanganak nalang ang issue na ito at lumabas dahil sa interview sa COA. Pero bunsod ito ng issue na pinipili kung sino ang bibigyan ng pondo o hindi. Ang tanong ay kung paano natin nililiquidate ang pera ng Senado o kung by certification lang o yung sinasabing walang resibo pag nililiquidate ng mga senador ang mga pondo nila.

Over all ang issue dito ay ang integridad at independence ng Senado. Walang conspiracy dito. Pati po ang media ay binanatan sa privilege speech nung Lunes ni Sen. Enrile na may conspiracy. Nirereport lang nila ang nangyayari. Galit ang mga tao sa korupsyon dahil tumataas ang presyo, nababawasan ang serbisyo at humihirap ang buhay.

Kaya mahal po nila ang Senado at kaya maraming senador ang mataas ang ratings kasama na si Senate President. Dahil sa paglaban natin sa korupsyon sa ating mga huling sesyon at taon. Hindi natin tinatantanan ang korupsyon dito sa Senado. Kaya di tayo pwedeng mabahiran ng korupsyon.

We cannot survive and continue if we are under the shadow of the doubt. Mr. President, tama ang sabi ni Sen. Lacson. We should not cast aspersions on each other. Pero hindi po namin ginawa yun – my sister, Sen. Pia, myself and Sen. Trillanes.

Nung una niyo pong speech sabi niyo po let’s call a spade a spade. Malinaw at simple ang isyu. Tahimik ang ate ko na si Sen. Pia at tahimik din po ako. Hindi ako nagpapainterview nung lumabas ang issue na ito.

Ang nagpainterview tatlo: Si Sen. Santiago, Sen, Chiz Escudero at si Sen. Trillanes. Ano po ang sinabi nila? Ano pong sabi nila? Si Sen. Chiz sabi niya liquidated naman yan at lahat nasa rules ng COA. Ganoon lang kasimple. Si Sen. Trillanes ang sinabi ay kung hindi kami bibigyan anong magagawa namin? Sanay naman kami na walang pondo. That was the gist of it.

It was Sen. Miriam who said a mouthful. And bunsod ito ng personal relationship nila ng Senate President. Doon nagsimula ang bangayan na ito. Uulitin ko po. Tahimik kami pero ang Senate President ang unang naglabas ng press release. Sabi niya minority daw kami kaya hindi kami dapat bigyan. Pero binigyan si Sen. Joker Arroyo.

Tapos tinuloy pa. Hindi daw ako tunay na minority at si Sen. Joker lang ang nagfifiscalize. Tapos pinapalabas  nila na pera ang issue at walang masama na sila ay mamili kung sino ang papaboran at kung sino ang hindi. Lalo na kung ang minority ay hindi rin bibigyan o puputulan ng pondo o babawasan.

I have to defend the Senate as an institution. I have to defend the minority. Paano mga kasama kung kayo naman ang nasa minority? Ganito bang Senado ang gusto niyo? Kung happy ang Senate President may staff kayo, pwedeng magpadetail, malaki ang pondo ninyo. Pag galit sa inyo for one reason or the other ay pwedeng tanggalan?

Hindi yan ang kinalakihan kong Senado. Of course, 6 years pa lang naman akong senador. Pero alam ko ito ang kaibahan ng Kongreso at Senado. That’s why pinutakte ng kritisismo ang Senado noong panahon ni GMA. Nung tinanggal ang mga pondo at inipit kung hindi sumunod sa pangulo.  Ganoon din ba ang mangyayari sa atin?

Uulitin ko, tama si Sen. Lacson at ako ay walang pinagbintangan na nagnakaw sa mga kasamahan natin. Dinipensahan ko pa ho ang sinasabing by certification. Ang sabi ko ay masama kung nananakaw at minsan ay kulang pa ang pondo. At sinabi ko pa na normal sa December, as it was in the last 2 years with all the calamities, activities and the savings.

Hindi ko sinabi na magnanakaw ang mga kasamahan ko dito. Bakit ko sasabihin yun? I worked with you very professionally in the last years. Kayo ang nagsabi niyan Mr. President sa press statement niyo nung Jan 9, paragraph 5. Pinagsama sama niyo po kami lahat sa minority.
Sinabi ni Sen. Miriam yan, nilagay mo rin sa bibig ki, sa bibig ni Sen. Pia at ni Sen. Sonny.

Turo ko po sa staff ko na always be respectful sa mga senador. Turo ko sa mga staff ko at turo rin ng ibang senador ito na never sila makisama sa mga away at debate ng mga senador kasi normal dito yun.

Sa RH, ito ang magkalaban at ito ang magkakampi. Sa Sin Tax ganoo din. Pagdating sa ibang bill ganoon din. Sa eleksyon na nga lang po, ang LP at NP ang magkakampi. Dito sa Senado ang UNA at LP ang magkasama. Normal sa Senado yan. Bakit namin sasabihin sa staff namin na awayin at bastusin ang mga senador?

Parang tayo kapag may asawa sabi wag magsumbong sa biyenan. Kasi maski bati na kayong magasawa, magkaaway pa ang biyenan. Yung ang turo ko sa staff ko. Ako po ay madalas niyong apihin Sen. Enrile pero never ko po kayong binastos. I’ve always treated you with respect. I’ve always explained to you after a heated debate what my stand is. I never called you names. I always call you Uncle Johnny or Manong Johnny.

Sabi niyo let’s call a spade a spade tutal kayo naman ang may gusto niyan. Alam naman natin kung paano niyo pinapatakbo, o kung paano niyo pinapatakbo ni Atty. Gigi ang Senado. Diba bawal sa caucus ang staff? Diba sa lounge sa likod ay bawal ang staff? But out of respect for you, pumayag kami na hindi lang andun si Ma’am Gigi kundi pwede ba siyang magsalita kapag may caucus at pwedeng magdiscuss. Para na rin siyang isang senador.

Tinanggap ko po yun at naming lahat. Bakit po? Courtesy and respect. You deserve it and you’ve earned it. You said almost 50 years in government and due to your age, I’ve always agreed with you. I agreed with you and disagreed. You’ve done good and bad things but that’s beside the point. That’s how you want to run the Senate, I never argued with that.

Kay Sen. Villar, sa kanya ako pumupunta. Pero sa administrasyon niyo ay either kay Atty. Gigi o sa kapatid niyang political officer. Pati chief of staff ko hindi haharapin pero okay lang. Ngunit ano ang sinukli niyo sa akin? Umpisa pa lang ay ginawan niyo na ng paraan para hindi ako makaupo sa Commission on Appointments. Kaya nagfilibuster pa ko dito kung maalala ninyo.

Ang extra room ng minority leader na binibigay sa akin ni Sen. Pimentel dahil palaging dalawa ang kwarto ng Senate Minority Leader binigay niyo po sa ibang staff. Ni hindi namin makausap si Atty. Gigi dahil hindi hinaharap yung chief of staff ko. Tinaggal niyo sa amin yun.

Mga pinangakong committee nung una tayong nagusap, binigay rin sa iba. Di ako umangal. I was a gentleman. Hindi ako umangal sa publiko. I just took it. Administrasyon niya ito so ganoon talaga dahil baka naiinis kayo sa akin.

But let’s call a spade a spade. Bakit ba kayo inis at galit sa akin personally? Dahil dati na kayong galit sa akin sapagkat napakalapit niyo pong dalawa ni Atty. Gigi sa dating pangulong GMA at kay First Gentleman. Kasama naman po talaga kayo noon sa planning group at sa asar na isang katulad ko na pwedeng tumayo sa Kongreso at labanan sila?

At hindi ba si Ma’am Gigi ay best friend po niya ang asawa ni Justice Tinga na nakalaban ng asawa ko sa Taguig? At ang hipag o sister in law naman ni Ma’am Gigi ay isang konsehal sa Taguig na number one kritiko ng akign asawa. So everytime naman na may hearing dito at andito si Chairman Brillantes ay sa inyong opisina ang diretso. Ako ang inuupakan at minsan ay tinutulungan niyo pa. Kaya nagkakasagutan tayo.

Pero after that, I approach you and I say that we just have different opinions. I never took it personally. “Hipokrito, cowards, walang utang na loob, my God!” Yan ang madalas kong marinig sa inyo. Madalas ko na ngang marinig sa radyo at ng mga kasama ko ang chief od staff ninyo. Kung ano ano ang tinanggap namin insulto. Tempted ako talaga na sumagot. Tempted ako na magsalita ng ganyan.

Bakit ako tempted? Bakit ko gustong sumagot? Dahil sa bawat isang kasinungalingan na inilabas ninyo tungkol sa akin ay isang daang katotohanan ang alam ko sa inyo ni Ma’am Gigi. Ngunit hindi ako magppatukso na mamersonal at mawala sa isyu. Hayaan nalang natin na naipaliwanag ko ng maikli at minsan man lang ang minana kong pangalan. Dahil yan lang po ang minana namin ng ate ko – ang Cayetano name.

Inalagaan namin ito. Pinalalabas ni Ma’am Gigi na hipokrito at mukhang pera kami. Di lang kami nabigyan kaya umaangal kami. Di nga kami umangal at tahimik kami. Hindi kami naginterview. Check that on the record. It was only when you came out with the press release hitting us that we said anything.

Ngunit isang katotohanan na dapat tanggapin ninyo sana ay never namin pinagpalit ang pangalan namin. Never namin pinagpalit ang prinsipyo namin para sa pera. Hanggang sa muntik na kaming ipakulong ng dating pangulo. Nag-aaresto na noon sa EDSA nagpapainterview pa ko. Tinanggalan kami gn security at pondo, tinitira kami sa distrito, we stuck to our principles.

Mahigit P1 billion in pork barrel hindi namin nakuha pero okay lang. Ito ang prinsipyo namin kaya kami nahalal. Tapos para sa P1.6 million ay mukhang pera kami. For her information, nung ako ay Chairman ng Blue Ribbon Committee ay di ako nangipit, nangblackmail ng ni isang negosyante para magbigay sa akin ng pera.

Maraming nagsabi sa akin, “Alan, kung P1 o P2 million kang kinita nung panahon ni GMA, ifile mo lang yung resolution, ni hindi mo kailangan mag-hearing dahil yung iba takot ma-TV at magbibigay ng pera.”

Ma’am Gigi for your information, itanong niyo sa COA, ang intelligence fund ng City of Taguig ay P500 million. Ipa-audit niyo po. Ni singko hindi kinuha ni Mayor Lani this year. Yun po ay walang audit ang liquidation, pirma lang. Tingnan niyo rin ang kabang bayan ng Taguig. P2 billion ang inabot niya na collection sa taxes. Maraming nagsasabi, “P20,000 ang bayad sa tax. P10,000 sa inyo.” Sabi ni Lani, “Hindi, ipasok niyo lahat.”

Kaya hindi siya nagtaas ng buwis at instead nagbawas pa. From P2 billion, ngayon P4 billion na ang taxes ng Taguig na pumasok sa loob. This is because of honest and good government. Question: kung pagiintersan ko ang P1.6 million at yon lang ang pagaawayan natin, ang daming pwedeng pagkunan. Pwedeng sinira ko na pangalan ko. Tapos pupunta siya sa radyo at sasabihin na si Alan ay palahingi.

Excuse me, tanungin niyo po. Hindi ako nakatira sa subdivision. Kaming magasawa ay walang sariling bahay. Ang bahay na tinitirahan namin ay yung family corporation. Pamana pa ng aking ama. 209 Paso Calabao street, Bagumbayan, Taguig. Wala kami sa subdivision. P250 pero square meter ang bili ng aking ama. Bisitahin niyo po kami at tingnan ninyo. Kaming magasawa ay doon nakatira. Ewan ko yung iba kung sana nakatira.

Yung pagtawag sa minority members na hypocrites. Ngayon lang ako nakarinig ng chief of staff ng senador na malakas ang loob na tawaging hypocrite ang isang senador. Ganito na ba ang asal sa Senado under the Enrile Senate Presidency?

Sa nakakakilala sa amin, hindi kami nakukuha sa pera. Hindi kami hipokrito and we are people who know how to respect other people. But we are also people who know how to stand up for our rights.

Having tried to clear that up, I apologize to our countrymen because we really have to straighten the record. We just had to defend out good name. Let’s go to the main issue: the P1.6 MOOE. Hindi namin sinasabing mali ito. Sinasabi ko pa nga na kailangan na kailangan. Wag lang nanakawin. Pero dahil sa issue na ito lumabas tuloy na by certification lang ginagawa ito. Nagdedemand ang ating kababayan na hindi dapat ganito. Nagdedemand din ang iba ng accountability at ng reform. Si Senate President po ay inamin niya na ang P250,000 ay Christmas gift niya. Naglambing daw kasi yung ibang senador.

Let me ask first: Who is calling the shots? Paano ba ang nangyayari sa Senado ang pera at sino ba ang nagsasabi ng totoo?

Tingnan po ninyo ang nasa screen. Ang alam ko po galing sa Senate President ‘yan. Tingnan ninyo ang nakalagay diyan, “To each senators.” Bibigyan daw ng pondo ang lahat ng senador at normal poi to, at ginagawa ito the last few years. Pero tingnan po ninyo ang next slide. Sulat-kamay po ng COS. Ang nakalagay diyan COS-OSP (chief-of-staff-Office of the Senate President), so I assume kay Atty. Gigi po ‘yan. Sa isinulat ni Atty. Gigi, wala ang pangalan naming apat nan a-publicize na hindi binigyan—si Sonny Trillanes, Miriam Defensor, Pia, at ako. Ang nakalagay po diyan, December 5 din.

Dalawang dokumento po iyan na December 5. Isang formal at typewritten at signed ng Senate President, at isang hand-written na signed by the COS. Isang addressed sa Secretariat, isang addressed kay Director Chua ng finance department. Ang nasunod po ay ‘yung kay Atty. Gigi, hindi sa Senate President.

The next document is dated December 10. May memo nanaman na additional P300,000. Hindi nanaman po ibinigay iyon. Ang nasunod nanaman po ay ‘yung hand-written kahit na sabihin mong that was five days ago. Ganoon din po ang nakikita kong trend. Bakit po? Noong lkumabas sa media na tinanggalan po kami ng staff, ang sagot po ng Office of the Senate President, expired na daw po ang kanilang kontrata. Hindi naman po ipinaliwanag ng Office of the Senate President na halos lahat ng senador ay may naka-assign na technical staff sa opisina. Na kapag nag-e-expire ito, tinatawagan lang at nire-renew.

Pero bakit po noong nasa radio ang COS ng ating Senate President na si Atty. Gigi, ang sinabi niyang dahilan ay dahil may report (hindi confirmed) na sa Taguig daw nagre-report ang aking isang staff kaya daw nila ni-recall. May CCTV naman dito. Bakit hindi nila tingnan kung saan nagre-report? May district office din ako sa Pateros, may staff akong nandoon. Wala akong opisina sa City of Taguig dahil masamang tingnan dahil mayor doon ang misis ko. Pero may projects ako doon. Kaya may pinapupunta akong mga staff doon. Mayroon din akong pondo sa Cebu. May staff ako doon, masama ba iyon?

Pero iyon po ang ipinapalabas sa media sa kanilang demolition job.

Going back straight to the issue, Mr. President, katulad ng naipaliwanag nating lahat, walang masama sa MOOE. Kaya nga maintenance and operating expenditure. Hindi makakagalaw ang mga opisina kung walang pondo. Ngunit, hindi ba dapat gamitin ito para sa lahat, at hindi paboran lang ang mga senador? Where did this whimsical idea come from—that the Senate President can choose kung sino ang bibigyan ng MOOE o hindi? He is claiming that it has always been there. I haven’t heard of that. I told the media that I’m in the minority, so I don’t care. Kung ayaw nila kaming bigyan, okay lang. kung gusto nila na sa ilalim kami ng puno mag-opisina, okay lang.

Wina-warning-an ko ang mga kasama ko sa majority, kapag dumating ang araw na sila naman ang nasa minority, payag ba sila na ganoon ang mangyayari? Nasa inyo naman ‘yon dahil kayo ang nasa majority. Pero ditto po sa P250,000, pare-pareho po tayo. Ang pagkaalam natin, pagpasok sa account natin, MOOE din ‘yon. Pero ang nasabi po ng Senate President, regalo daw iyon. Naglambing daw na may Christams gift. Pero ang tanong ko, paano iniligpit ito? Ang sabi ninyo  may dalawang senador na nangangantiyaw. Pero ang sabi ng chief-of-staff ninyo, I was singled out. Sino pa ang dalawang iyon na nangantiyaw?

Blessing in disguise na din ito, Senate President. Bakit? Dahil sa ginawa po ninyo, napilitan po kaming mag-research, Mr. President. Ito po ang natuklasan ko. Mr. President, tingnan po ninyo ang budget ng Senado. I realized that the budget doubled from the time Sen. Enrile became senate president. Siguro dapat lang dahil very productive at madami tayong trabaho. Pero makikita po ninyo, from around P750 million, we went up to around P1.5 billion.

I did my own math, Mr. President. ‘Yung P470 million, sa mga oversight committee ‘yon, ang nagli-liquidate ‘non ay mga chairman. My question now, Mr. Preisdent, paano po nili-liquidate itong P600 million? I was told that a big part of this is being liquidated by certification.  Is it P100 million? Is it P200 million? Or P300 million? I was told na kapag personal services pala, kapag may savings, you can realign it pala. And you can also justify its use by mere certification.

So, Mr. President, let me quote your own words. Sabi po ninyo sa inyong speech dito, “the people have the right to demand from all of us an accounting of every single centavo of taxpayers’ money entrusted to us. No one is immune or exempt from scrutiny in the way public funds are spent.”

Therefore, Mr. President, I’ve been asking, ilabas po natin ang mga dokumento. How weas the P250 thousand liquidated? Ilabas din natin, Mr. President, ito bang P500 million by certification lang, ibig sabihin walang resibo at pirma lang ninyo? O dalawangdaan o tatlong daang milyon?

Mr. President, ano ang itinuro ninyo sa amin  pagdating doon sa Impeachment Court? Hindi pwedeng assertion lang. hindi pwedeng sagot lang. kailangan may evidence o proof. That’s why I’m asking, Mr. President, kaysa sayangin natin ang oras at ditto tayo mag-debate, at kayo lang ang may hawak ng dokumento, payagan natin ang isang independent, private auditing firm na pumasok at tingnan ang pondo at sila ang mag-clear sa atin.  Hayaan nating sabihin nila, that everything’s in order. Ang duda ko, marami sa mga senador abunado pa. kasi may opisina pa sa labas at sa home province nila.

Pero nagulat po ako at hindi ko alam na buong budget pala ng senado, ganito ang sistema.

Mr. President, ipinasa natin ang FOI Bill,  sinasabi natin na lahat ng pondo ng lahat ng ahensya ng gobyerno dapat pwedeng malaman ng lahat. L;et’s release the documents. I challenge you: allow the private auditing firms to look at the finances of the Senate. It is very important. Why? Because ordinary government employees have been calling me up and texting me bakit sila bawat singko kailangan i-account for?

Most Filipinos, bawat peso, sa tatay man nila o sa asawa, they have to account for kahit halos walang makain.

Mr. President, I want to go back to discussing education, health, presyo, trabaho, kita ng mga tao. Let’s end this discussion. Hindi productive na nagbabangayan tayo sa radio, sa telebisyon, sa dyaryo. Pero hindi matitigil ang issue na ito hangga’t hindi natin ma-resolve (1) kung ganito ang sistema na gusto natin sa Senate? If the majority wants it that way, okay lang. Kung ano naman ang itinanim natin, iyon din ang aanihin natin. In the future, kung ganyan ang mangyayari, it’s up to you. (2) ‘Yung duda ng tao sa atin dahil sa certification process. (3) Kung ano ang sinasabi natin sa ibang iniimbestigahan natin na buksan ang libro, i-subpoena ang account, tingnan ang mga dokumento, payagan din natin na gawin sa senado iyan so no one will say that we are above the law and that no one will say that senators do not lead by example. I think this is the greater challenge.

Lastly, Mr. President, it’s not about leadership change. I’ve always been in the minority. Halos dalawang taon lang ako napunta sa majority, noong panahong senate president si Sen. Villar. Sanay na po ako dito. Ang sinasabi ko palagi, if there’s someone better that comes along, why not? If it’s someone worse, bakit? If it’s the same, bakit pa mag-change? You know that.

But here last Monday, you made it appear that it’s about the change of leadership. No. and your offering to resign did not answer the issue. And the vote to keep you on will not answer the issue. The issue is the funds of the Senate, and that’s what should be addressed, Mr. President.

Thank you very much.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the and acknowledge that I have read the .

-end-

TAGS:

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the and acknowledge that I have read the .

© Copyright 1997-2025 | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies.