Napoles insists her money came from inheritance, coal trading | Inquirer

Napoles insists her money came from inheritance, coal trading

/ 01:59 AM August 12, 2013

Janet Lim-Napoles answers questions on the alleged pork barrel scam from editors, columnists and reporters of the Philippine Daily Inquirer. PART 2. Parts: | | |

(Second of a series)

Article continues after this advertisement

(Editor’s Note: The following is a verbatim transcript of a round-table discussion between Inquirer editors, columnists and reporters, and Janet Lim-Napoles, the alleged mastermind behind the P10-billion pork barrel scam, on Thursday, Aug. 8, at the Inquirer main office in Makati City.)

FEATURED STORIES

JOEY Nolasco/Managing Editor: Siguro naman naalala mo ’yung mga main points nun. [This refers to Nolasco asking Napoles to talk about inaccuracies in the reporters’ stories on the alleged P10-billion pork barrel scam.-Ed.]

Chato Garcellano/Opinion Editor: Oo naman, alam niyo ’yun.

Article continues after this advertisement

Nolasco: Pagkakataon niyo na ’to.

Article continues after this advertisement

Napoles: Mahirap magsalita.

Article continues after this advertisement

Raul Pangalangan/Publisher: Kahit hindi lahat. Just a few.

Nolasco: Anong naaalala niyo dun? Kasi inaakusahan niyo ’yung mga reporter namin na…

Article continues after this advertisement

Napoles: Ah kasi [unintelligible] si Atty. (Lorna) Kapunan ng kaso. Nilagay niya. Eh dun na lang. Baka magalit sa akin yung abogado. Kasi kung [unintelligible].

Nolasco: Ang ibig sabihin, Mrs. Napoles, hindi niyo alam?

Napoles: Hindi ko alam. Kasi siyempre, nasa dyaryo. Siyempre, hindi naman ho lahat ng sinulat sa dyaryo pwede mong idemanda. Siyempre babasahin mo, pantay ba yung [unintelligible].

Nolasco: O, ano? Ano ang maling sinulat ni ano … ng mga reporter namin? Wala? Wala kang masabi?

Napoles: Hindi ho, meron siyempre.

Nolasco: O, ano?

Garcellano: Sabihin niyo na.

Mike Suarez/ Service Chief: Sabihin niyo na.

Nolasco: Dahil ’yun ’yung susulatin nila, wala kang masabi.

Napoles: Hmmm …

Gil Cabacungan/Senior reporter: Magkano ho hawak niyo sa AMWSLAI (Air Materiel Wing Savings and Loan Association Inc.)? P5 million?

Napoles: P5 million po.

Cabacungan: So ’yung …

Napoles: Kasi hindi pwede ’yung ano, dalawang name pa ngayon. ’Yung anak ko at ’yung isang anak ko. Hindi po pwede. Kasi may limit po sila, P3 million lang. Kaya nagtataka nga kami na hundred, P100 million. That’s why, pumunta po kami ni General Nolasco (retired Gen. Ricardo Nolasco Jr.), sabi, sir, baka naman pwedeng ano. Sabi niya, ginugulo nga kami nung …

Nolasco: ’Yun ’yung tinatanong niya … Hindi ko kamag-anak ’yun.

Napoles: Hindi, kasi Nolasco, sabi ko, kamag-anak niyo?

Nolasco: Hindi. Hindi.

Napoles: Para malaman niyo ang katotohanan, ’di ba? At saka wala naman hong pwedeng P100 million isang tao sa ano. At saka ’yung mga pera sa bathtub, my gosh!

Nolasco: So ’yun, mali ’yun? Na may pera ka sa bathtub?

Napoles: Hindi, “allegedly” naman pagkalagay dun, OK lang ’yun, ’di ba?

Chelo Banal-Formoso/Learning Editor: Hindi, sabi nila ’yun.

Nancy Carvajal/Reporter: Sabi ho nila ’yun [unintelligible].

Napoles: Ha?

Formoso: Sabi nung mga witness [unintelligible] … sabi nung mga whistle-blowers …

Carvajal: Sabi ng whistle-blower…

Nolasco: So mali ’yun? Na may pera ka sa bathtub na binibilang?

Napoles: Eh sana po, sir, ang pakiusap ko lang, sana i-check din natin yung background po ng whistle-blowers—kung bakit nag-whi-whistle-blower. At saka ang unang kaso [unintelligible]…

Cabacungan: Bakit nga ba, ma’am?

Napoles: Nag-file ng kaso, hindi naman siya, ’yung parents niya. Ano pong kinalaman ng mga nanay, tatay niya dun sa probinsya, kapatid niyang seaman, sa PDAF (Priority Development Assistance Fund)? Sinong nagbigay sa kanila ng papel about the PDAF?

Nolasco: Sino?

Napoles: Hindi ho namin alam. Siyempre kayo na ’yun.

Cabacungan: Pero 1990 pa po, kasama niyo na po sila Gertrude, yung kapatid, at saka ng …?

Napoles: Ay, yaya ko po. Yeah. ’Yung Gertrude?

Cabacungan: Incorporator niyo po [unintelligible] dun sa document?

Carvajal: Incorporator [unintelligible]?

Nolasco: Sino nagturo sa kanila mag-incorporate?

Napoles: Ay kasi po, yaya po siya nung ano, parang nanay ko, Louie knows that.

Cabacungan: Eh, incorporator niyo, ma’am, eh.

Napoles: ’Yun na nga eh. Sana kung tinanong mo ako, I can … na may document po ’yun. Na ’pag kasi diabetic ano [unintelligible] hindi ho ako ano. ’Yung isang anak ko, 18 years old, nilipat na kay Anabelle ng anak niya. Kay Gertrude is, ’pag nag-18 na po ’yung bunso ko, i-tratransfer na ’yung ano. May side agreement po ’yun. Kasi po ’yung mga anak ko, bata pa. Kaya incorporator po, family namin. Kasi, parang kamag-anak, ’di ba? Nasa ’min, 25 years mong kasama, kasama mong matulog, kasama mong kumain. Hindi ho kinakatakutan ko ’to. Alam niyo kinakatakutan ko? Buti ho hindi kami nilason nung kasama namin sila, na ganyan na pala kalalim ang ginagawa nila sa opisina.

Carvajal: Ano ho ba ’yun? ’Yung ginagawa nila…?

Garcellano: Ano bang ginagawa sa opisina?

Napoles: Eh hindi ba ang dami na ring nangyari na hanggang ngayon? Kaya ’yung mga CCTV, kino-compile lahat, marami ho, kasi kailangan namin sa kaso. Hindi ho pwede sa battle of the news. Kasi hindi mo pwedeng gamitin sa ano… sa hukom, ’di ba. Siyempre, ’di ba, after this mga lahat, magkakaroon naman ng proper investigation, magkakasuhan. So ’yung mga CCTV dun, so marami ho. Gumagawa rin naman kami ng ano…

Winnie Monsod/Columnist: Ah, meron kayong CCTV sa opisina?

Napoles: Opo, lahat. Kaya sabi ko nga eh. Buksan CCTV ng Congress. Tignan mukha ko kung andun ako, ’di ba.

Randy David/Columnist: So, wala ho kayong kakilala sa mga senador, ano?

Napoles: Ay hindi naman sa walang kakilala. Like Bong Revilla po, ’yung anak niya at saka anak ko, magkaibigan.

David: So, sino pong mga senador ang hinandle ninyo ang PDAF?

Napoles: Ay, wala po.

David: Wala po? Wala ring kongresista na-link sa mga…

Napoles: Wala po.

David: Wala rin kayong NGOs (nongovernment organizations)?

Napoles: Meron po.

David: Ilan ho ang NGOs ninyo?

Napoles: Magdalena Luy-Lim Foundation.

[To photographer Edwin Bacasmas] Kuya, bibigyan kita ng picture. ’Wag mo na akong picturan. Pangit ako ngayon, stressed. [Laughs] Sige na please, ’di ba? Please naman.

Magdalena Luy-Lim Foundation po.

David: ’Yun lamang po ang foundation ninyo?

Napoles: Oo. Tumutulong po kami sa Tawid-Gutom, ’yung lugaw sa Quiapo, sa mommy ko po ’yan. Nung namatay siya, sinabi po ni Cardinal sa kanya na tumulong ng Catholic sa China. Nagpatayo po kami ng simbahan dun. ’Yung mga kaparian dun na nakatira sa amin, ’yun ho ’yung foundation na ginagamit… Meron po kaming foundation.

David: So itong 18 NGOs…?

Napoles: Hindi, 20 plus something, mga 30 plus na ho… Wala kaming kinalaman dun.

David: Wala kayong kinalaman dun?

Napoles: May witness na po. Lahat ng ginamit nila, nakunan na po ng statement.

David: So, ano po ang negosyo ninyo?

Napoles: Kami po? Coal po sa Indonesia. Pupunta na ho ang channel something, pupunta ho dun.

Cabacungan: Anong pangalan, ma’am?

Napoles: Dun? Pagpunta niyo na ho dun.

David: Anong pangalan nung coal company ninyo?

Napoles: Dun ho sa Indonesia? Pagpunta na lang ho nila Ma’am Korina (Sanchez).

David: ’Yun ba yung AStar (Asia Star Power Resources Corp.)?

Napoles: Ay, hindi po. ’Yung AStar po, sa Philippines. Wala pa hong kinita ’yun, wala pa ’yun. Wala pa hong two years pa hong ongoing. Kasi, siyempre, kami ho magfi-finance nun, siyempre conservative. Hindi lang pwede hong maglabas …

David: So, may negosyo kayo sa Indonesia na coal…?

Napoles: Housing and coal po.

Cabacungan: Gaano na katagal ho ’yun?

Napoles: 1995. Ay teka, nag-i-interview na kayo. Papatayin ako ni Atty. (Lorna) Kapunan. [Laughs] 1995 pa po.

Cabacungan: Anong pangalan, Ma’am?

Napoles: Ay, pagpunta niyo na ho.

Cabacungan: Gaano kadalas kayo nagpupunta? Sino ho nag-ma-manage?

Napoles: Husband ko, hindi ako. Takot ako dun kasi, eh.

Cabacungan: Eh, paano ho siya pupunta dun kung pinag-da-drive daw ho kayo…?

Napoles: Ayun na nga, eh. Kaya nga kawawa naman driver ko. Bigla “allegedly” driver. May driver naman po kami.

Nolasco: Ma’am, si Congressman Pichay (former Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay) ba, kasosyo niyo?

Napoles: Ay, noon, noon pa.

Nolasco: Kasi, nung nakita ng mga tao si Congressman Pichay eh…

Napoles: Mas lalong nagduda? [Laughs]

Nolasco: Ikaw nagsabi niyan, ma’am, ah.

Napoles: Hindi ho. Noon, noon pa ho, pumasok kami ng Surigao…

[Talking to Inquirer.net reporter] Ate, ’wag mo nang isulat tomorrow. Kung pwede wala na lang ’to. Parang get-together lang, getting to know. Oo, please naman. Wag na.

Monsod: In other words, you are specifically asking that this is off the record? Is that what you’re saying?

Napoles: Kung pwede sana, ma’am. Pwede ba?

Monsod: I don’t know. I don’t know what the rules of the game are.

Napoles: [Looks at Pangalangan] Sir … kasi?

Suarez: There are too many of us to have this off the record.

Napoles: Ah, OK.

Suarez: Otherwise, you are asking us to join you in a conspiracy to withhold information.

Napoles: [Unintelligible] meet with my lawyer. Baka mamaya meron kasi, baka magalit ’yung lawyer ko.

Garcellano: Mrs. Napoles, hindi ba pumunta kayo dito para makipag-usap sa ano…

Napoles: Hindi po, para humingi lang ng tulong kay ma’am na paki ano…

Nolasco: ’Yung lawyer, kailangan ’yan ’pag mga delikadong bagay. Pero ’pag nagsasabi ka ng totoo, hindi kailangan ng mga lawyer ’yan.

Napoles: Ah, sige po. [Unintelligible] OK, sasagutin kita.

Nolasco: O, anong tanong niyo?

Cabacungan: Ma’am, bakit sabi po ni Gen. Esperon (retired Gen. Hermogenes Esperon), hindi kayo nakapag-deliver ng $7.5 million?

Napoles: Kasi gusto po niya mag-capital kami ng $7.5 million. Chinese po ako. Siyempre, bago ka maglabas ng pera, co-compute-in mo kung kikita ka o hindi. Since hindi nila ma-prove na kikita, hindi ako naglabas. Simple.

Nolasco: Pero si Congressman Pichay, hindi niyo kasosyo ’yun, ha?

Napoles: Kasosyo po. Doon sa Surigao. Tapos… Doon sa bayan po nila. Noong panahong hindi pa siya congressman… Kasi siyempre, sila yung medyo ano doon… So meron kaming mining… mining doon… Sila po ang kasosyo ko doon.. kaya ho kung ako ang nag-pi-PDAF… sa kaibigan naming siya.

Suarez: Saan ho sa Surigao? Sa Tandag? Taga-Tandag siya. O sa Madrid?

Napoles: Between Madrid and Tandag … may isang… ano…

Suarez: Maraming bayan ’yun, ha.

Napoles: Cantilan. May Cantilan ba? [Laughs]

Suarez: Meron. Meron.

Napoles: Parang Cantilan… Somewhere Cantilan …  Kasi ’yung husband ko po kasi, mahilig. Kasi nakakatakot po sa mga ganyan…

Suarez: Anong pangalan nung kumpanya ninyo sa Surigao?

Napoles: Dati po?

Suarez: Ah, wala na ngayon?

Napoles: Wala na po ngayon. Nag-private na siya…

Suarez: Ano po yung dati? At kailan?

Napoles: Matagal na po… Civilian pa po siya… Hindi pa siya congressman…

Suarez: Yeah. Pero sa inyo ’yung kumpanya, ’di ba?

Napoles: Opo … sa husband ko po.

Suarez: Anong pangalan?

Napoles: Sa husband ko po… [Murmurs]

Suarez: Hindi sa logging ah? Sa mina …

Napoles: Hindi po. ’Yung logging sa kanya lang ’yun, hindi kami kasosyo dun …

Suarez: Kaya nga. So ano nga po ’yung pangalan ng kumpanya doon?

Napoles: Hindi. Wait. Nag-me-mental block ako. Te-text ko sa inyo. Baka magkamali ako. Kasi marami kaming kumpanya sa mining. Iba-iba.

Cabacungan: Hindi ho ba ’yung kayamanan niyo related dun sa Tiu family?

Napoles: Ay, hindi po… Bukas nga ho …

Cabacungan: Kasi may Coal Asia ’yun.

Napoles: Ay hindi, Tiu…

Cabacungan: May hotel din.

Napoles: Sa kanila ’yun… girlfriend ’yun … nakakahiya nga doon sa Tiu family. Nandoon lang ’yung opisina namin sabi mag-ra-rally daw dun bukas…

Carvajal: Sabi niyo kasi, ma’am, when I interviewed you, tinanong ko po kayo kung saan po nanggaling ang yaman niyo … you claimed… ang sabi niyo po, minana niyo sa magulang niyo…

Napoles: Meron po… meron po.

Carvajal: And papaano … Pwede pong pa-explain … Hindi po kasi…

Napoles: Alam mo, Nancy, pasensya ka na ha… kasi nung kinausap kita with Louie … iba ’yung sinabi ko … iba ’yung nilabas mo, eh.

Carvajal: Alin ho dun, ma’am? Ayan nasabi niyo na… Which one?

Nolasco: Ayan nga ho ’yung tinanong ko. Sabihin niyo na… kung saan nagkulang ’yung reporter.

Napoles: Sa totoo lang kasi, I never heard na … when you say… pagdating ko… hindi ko kaibigan si… si… who’s that? Jojo Ochoa (Executive Secretary Paquito Ochoa)… Wala naman. ’Di ba paalis ka na nung tinanong mo kaibigan niyo ba si Jojo Ochoa …

Carvajal: No, I did not.

Napoles:  Nung binasa… when I read the letter…

Carvajal: I have the tape ma’am, remember.

Napoles: No … no … but… Oo pero… ’yun ’yun eh… pwede bang pagdating ko na. Hindi ko kilala si Jojo Ochoa… parang…

Carvajal: Hindi ho ’yun ’yung sinabi niyo, ma’am. Ang sinabi n’yo sa akin …

Napoles: Pero tapos na ’yan.

Carvajal: “Uy … walang kinalaman si Jojo Ochoa.”

Napoles: No, no. I didn’t say like that… Louie was there.

Carvajal: Walang kinalaman si Jojo Ochoa dito?

Napoles: ’Di ba? [Glances at Louie]

Louie: She had it taped, so…

Nolasco: Ma’am heto ah… bibigyan lang kita ng …

Napoles: Ma’am, [makes gestures to stop Nolasco from talking] ganito ah…

Nolasco: Briefing about sa mga reporters namin, ah… bawal sila mag-imbento ng kwento.

(To be continued Tuesday)

FIRST PART OF THE INTERVIEW

Janet Napoles takes the floor at Inquirer

THIRD PART OF THE INTERVIEW

Napoles: Luy’s lawyer asked me for P38M

FOURTH PART OF THE INTERVIEW

Napoles won’t say name of her firm in Indonesia

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the and acknowledge that I have read the .

LAST PART OF THE INTERVIEW

Napoles: Benhur Luy has another boss, it is not me

technology
entertainment
lifestyle
business
TAGS: bogus NGOs, interview

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the and acknowledge that I have read the .

© Copyright 1997-2025 | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies.