ºÚÁÏÉç

Verbatim: Ex-Makati Vice Mayor Mercado’s testimony

ernesto mercado (2)

Former Vice mayor of Makati Ernesto Mercado. INQUIRER FILE PHOTO / NINO JESUS ORBETA

MANILA, Philippines–Ito pong bag na to dito nakalagay ang pera. Bawat koleksiyon po ay may dinedeliver si engineer Morales sa aking opisina na 3 bags kagaya ng bag sa ibabaw. Ang mga bag po na letrang J, E at G tumutukoy kung kanino mapupunta bawat bag.

Ang letter J po para kay Konsehal Junjun na minsan dinedeliver sa kanyang opisina sa 18th floor dahil andun din ang aking opisina. At minsan naidedeliver kadalasan sa kanilang bahay sa Caong Street. Kung minsan naman po na siya ay nasa opisina ng kanyang dad, dun na pinadadala.

Ang isang bag po na may letter E ay para sa personal na pangangailangan ni Mayor Jojo Binay na dinedeliver ko ng personal kay Ate Ebeng sa Robelle mansion sa JP Rizal.

Ang isang bag na may letter G na para sa kampanya ni Mayor Jojo Binay ay dinedeliver ko sa second floor, Vistamar building sa Mayapis Street corner St. Paul Street, San Antonio Village Makati. Pero minsan dinedeliver ko din sa opisina ng aming mayor pag nagkataon po andun si Mr. Gerry Limlingan.

Ang bawat bag ay may lock kagaya nito. Ang lock po na ito ay de numero. Itinetext po ni engineer Morales ang kombinasyon sa bawat tatanggap nito. Nung araw na walang lock wala pong tamang bilang, lagi po may kulang at ako natatatawagan, kulang ito, kulang ito. Eh minabuti na namin ni engineer na lagyan ng lock para sila na magbubukas.

LATEST STORIES
Read more...