Peña’s full statement after taking oath as acting mayor of Makati | Inquirer ºÚÁÏÉç

ºÚÁÏÉç

Peña’s full statement after taking oath as acting mayor of Makati

/ 05:03 PM June 30, 2015

Delivered at Old City Hall on June 30,02015

Article continues after this advertisement

Sa mga lingkod bayan ng Makati, sa aking mahal na mga kababayan, magandang araw po sa inyong lahat.

FEATURED STORIES

Ako po’y nandito sa inyong harapan bilang paggalang sa batas at pagtalima sa kautusan ng Ombudmsan at ng Department of Interior and Local Government. Ako po ay hinalal bilang vice mayor ng lungsod ng Makati at kaakibat nito ay ang pagpapatupad ng batas, protektahan ang ating siyudad, lalong lalo na ang kapakanan ng mga taga-Makati.

Dalawang kautusan na po ang inilabas ng ating Ombudsman para suspendihin pangsamantala si Mayor Junjun Binay at ilang opisyal ng ating lungsod. Ang preventive suspension na ito ay nagmula sa dalawang mabibigat na kasong pangdarambong na isinampa laban kay Vice President Jojo Binay, Mayor Junjun Binay at iba pang opisyales ng Makati.

Article continues after this advertisement

Ang mga kaso po na ito ay tungkol sa overpricing ng Makati Parking Building II at Makati Science High School. Dalawang mabibigat na reklamo tungkol sa bilyun-bilyong pisong halaga ng nagastos sa pagpapatayo ng mga gusaling ito.

Article continues after this advertisement

Itong bilyong-bilyong pera ay pera po ng sambayanang Makati. Pondo po ito ng mga mamamayan na nagamit na dapat po para sa kanila. Para sa mas nakakarami at mas magagandang benepisyo. Subalit nakakalungkot ang mga impormasyon na hindi ito napunta sa kapakanan ng taumbayan.

Article continues after this advertisement

Ang layunin ng preventive suspension order ay para protektahan ang mga ebidensya sa loob po ng city hall. Mga dokumento at mga testimonya ng mga posibleng tetestigo o kaya naman ay may nalalaman sa katotohanan.

Tungkol sa alegasyon ng overpricing na nabanggit ko kanina, yung Makati Parking Building II at yung Makati Science High School. Para po sa ating punong lungsod at mga kasamahan kong halal na opisyal, makakaasa po kayo na ako ay magiging patas at tapat bilang acting mayor ng atin pong pinakamamahal na lungod.

Article continues after this advertisement

Ako po ay walang reputasyon nang pangigipit. Ako po ay walang reputasyon ng pagiging personal kanino man. At ako po ay walang reputasyon ng pananakot.

Sa mga mahal kong empleyado ng lungsod ng Makati, makakaasa po kayo na tuloy-tuloy po ang ating pagseserbisyo. Tuloy-tuloy po ang benepisyo at ito ay di magkukulang at marahil ay mas hihigit pa. Ang hinihiling ko lamang po sa inyo ay ang inyong suporta, pagtitiwala, at lalong lalo na ang pagunawa. Hindi po ito para sa aking sarili. Kung hindi para sa mga kababayan kong taga-Makati.

Sa ating mahal na mga kababayan, makakaasa kayo ng sapat at malinis na serbisyo publiko. Ako po ay paulit-ulit na nahahalal sa lungsod pong ito dahil taglay ko po ang tiwala at pagmamahal po ng mga taga-lungsod ng Makati.

Ako po’y mananatiling bukas, tapat sa pagganap ko bilang pansamantalang punong lungsod. Hiling ko po ang inyong mga dasal sa ating Maykapal upang patuloy akong bigyan ng kalakasan at kalinawan ng isipin para sa maayos at tuwid na pagbibigay serbisyo, 24 oras ano man pong araw.

Sa atin pong kagalanggalang na Bise Presidente Jojo Binay. Sa ikalawang pagkakataon, buong pagpapakumbaba ko pong hinihiling ang pagsunod sa batas, ang pagbibigay galang sa kautusan ng mga ahensya ng ating gobyerno.

Ito po ay magbibigay ng isang magandang halimbawa sa mga bagong nanunungkulan, tulad po ni Mayor Junjun Binay at ng inyo pong lingkod, at sa lahat na po ng kawani ng ating gobyerno.

Ang pagsunod sa batas, ang mapayapa at tapat na paglilingkod na may pagmamahal po sa bayan at pagdakila sa Poong Maykapal ang akin pong laging nasa puso’t isipan.

Mabuhay po ang premyadong lungsod ng Makati!
RELATED STORY

Follow the law and set an example, Kid Peña tells VP Binay




Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the and acknowledge that I have read the .

RELATED VIDEO

MOST READ
TAGS: corruption, Junjun Binay, Kid Peña, Makati, Metro

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the and acknowledge that I have read the .

© Copyright 1997-2025 ºÚÁÏÉç | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies.