Full text of Aquino’s final address to the nation | Inquirer

Full text of Aquino’s final address to the nation

…and toast at the Independence Day Vin d’Honneur
/ 07:26 PM June 12, 2016

Speech of His Excellency Benigno S. Aquino III, President of the Philippines, at the vin d’honneur in celebration of Independence Day, Malacañan Palace, Manila, June 12, 2016

Taon-taon, nagtitipon at pinagdiriwang natin ang ating kalayaan. Ngayong taon, minarapat po nating ibahin nang kaunti ang pagsariwa kung gaano kahirap nakamtan ang kalayaang ating tinatamasa.

Alalahanin po natin: Halos isang henerasyon pa lang ang nakalipas, na ang mismong gobyernong pinamunuan ng Pilipino, ay siyang sumupil ng kalayaan sa kapwa Pilipino.

Article continues after this advertisement

Sa atin pong pagbabalik-tanaw: Inaanyayahan ko ang lahat na ilagay ang inyong sarili sa mga mata at kaisipan ng isang 13 taong gulang—ang edad ko po ng mga panahong iyon—na dinanas ang sumusunod.

FEATURED STORIES

Ididiin ko po: Nangyari na ito. Minsan nang inagaw ng kapwa natin Pilipino ang ating kalayaan. Ibig sabihin, kung hindi tayo magiging mapagmatyag, maaari itong mangyari muli.

Ngayong papasok tayo sa panibagong kabanata ng ating kasaysayan, nawa’y hindi natin malimot: Ang kalayaan, kailangang bantayan at alagaan. Ang lahat ng mahalaga, kailangang pagsikapan; kailangang ipaglaban. Sabi nga po ng isang manunulat na si Edmund Burke: All it takes for evil to triumph is for good men to do nothing.

Article continues after this advertisement

Nang nagsimula tayo, isinumpa ko: Sa pagbaba ko sa puwesto, iiwan ko ang ating bansa nang mas maayos kaysa sa ating dinatnan. Sa ating pamamahala, ang Pilipinas ay magiging marangal at responsableng kasapi ng pandaigdigang komunidad. Sa huli kong pagharap sa inyo, aking mga Boss, at sa koro diplomatiko bilang Pangulo, taas-noo kong masasabi: Tinupad ko ang lahat ng panata ko.

Article continues after this advertisement

Alam ito ng lahat ng mga natulungan ng PhilHealth, ng mga napagtapos nating scholar ng TESDA, at ng mga kabataang pumapasok sa maayos na mga classroom. Alam ito ng mga graduate na namimili na ngayon ng trabaho, sa halip na magkandarapa sa paghahanap nito. Alam ito ng mga nasa lalawigan na nakikinabang na ngayon sa mga kalsada, tulay, daungan, paliparan, at iba pang imprastrukturang naipagawa natin. Alam ito ng mga mamamayang dati ay naiipit sa putukan, ngunit ngayon ay abot-tanaw na ang kapayapaan. Alam ito ng lahat ng tumatamasa ng panibagong oportunidad dahil sa paglago ng ekonomiya—isang ekonomiyang mula sa pagiging “Sick Man of Asia,” ngayon ay “Darling of Asia” na. Alam ito ng buong mundong humahanga sa paninindigan, integridad, at sigasig ng Pilipino.

Article continues after this advertisement

Naipakita na nating kaya nating ipaglaban ang demokrasya. Naipakita na nating kaya nating bawiin ang inagaw na demokrasya. Ngayon, napatunayan natin: Kaya nating paganahin ang demokrasya para sa ikabubuti ng ating mga mamamayan.

Naabot natin ang lahat n gating tinatamasa natin ngayon nang gumagalang sa proseso at sa batas at sa karapatan ng bawat tao. Nagawa natin ito nang hindi sinisikil ang tinig nino man, at binibigyang halaga ang kalayaang ipinaglaban ng mga nauna sa atin. Naninindigan pa rin tayo: Walang mararating na tunay na pag-unlad kung isusuko ang ating dignidad at karapatan.

Article continues after this advertisement

At this point, with our friends from the diplomatic corps, allow me to propose a toast:

To the Filipino people: May we never lose our patience with the ways of democracy, and may we never take it for granted or be passive in its defense;

To the friends of the Philippines: As we collectively face the challenges of an ever-shrinking world, may our solidarity continue to bear fruit in the cooperation that improves the lives of our respective peoples;

To our hard won Filipino freedom: Earned by the blood and sacrifice of martyrs, nurtured by the vigilance of an empowered people, may it never again be challenged, diminished, or negated.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the and acknowledge that I have read the .

Mabuhay!

TAGS: Nation,

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the and acknowledge that I have read the .

© Copyright 1997-2025 | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies.